US Citizen, nanigaw, nanampal, at pinagmumura ang ilang Pulis ng PNP Las Pinas!

Manila, Philippines – Arestado ang isang ginang matapos manampal at murahin ang isang pulis sa Las Piñas City, Lunes.

Kinilala ang ginang na si Cheryl Hawkins Bautista, isang US citizen na kasalukuyang naninirahan sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa pahayag ni Police Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas City police, nakatanggap sila ng tawag Lunes ng hapon tungkol sa isang kostumer sa isang kainan.

“May customer na may unruly behavior. Nagsisigaw, nagmumura,” sumbong nito.

Kwento nito, hindi tinanggap ang credit card ng ginang na pambayad sa bill ng kanilang pagkain.

Nang tatanungin ng pulis, inakala ng ginang na aarestuhin siya kaugnay ng problema.

Sa live video ng insidente,  pinakakalma ng pulis ang ginang pero tuloy pa rin ito sa pagsisigaw.

Dahil sa patuloy na pagmumura at panduduro sa pulis ng ginang, aarestuhin sana ito ng pulis ngunit agad niyang binagsakan ng sampal.

Nang muling murahin at dinuro ang pulis, aarestuhin na sana niya ang ginang pero sinampal siya nito. Kahit pinosasan na, pinagtatawanan ni Bautista ang mga pulis.

“Allegedly ‘yung customer ay medyo tipsy. Medyo nakainom lang ng konti. So medyo naging unruly na ‘yung behavior niya,” giit ni Gran.

Nahaharap ang ginang sa kasong direct assault, disobedience to a person in authority, oral defamation at alarm and scandal. 

FULL STORY HERE
Remate
Ginang na nanampal, nagmura sa parak, arestado