YAKAPIN NATIN SILA. Leni Robredo, nanawagan na mag-alala sa Marawi Siege victims, Muslim refugees…

Manila, Philippines – Sa paggunita ng Eid’l Adha o Festival of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim, hinimok ni Vice President Leni Robredo ang lahat na alalahanin ang mga biktima ng Marawi seige at iba pang Muslim refugees.

“Yakapin natin sila at patuloy na ipanalangin sa kanilang pagharap sa mga hamon ng buhay.”

 “Sa araw na ito, sana ay alalahanin natin ang mga kapatid nating nagsasakripisyo at nagsusumikap makabangon, tulad ng mga kababayan natin sa Marawi at mga kapatid nating Muslim refugees na nawalay sa kanilang mga pamilya at naghahangad ng mas magandang bukas,” anang Pangalawang Pangulo.

Matatandaang 100,000 residente ng Marawi ang naapektuhan ng Marawi Siege kung saan kinubkob ng ISIS-inspired Maute group noong Mayo 23, 2017 ang bayan.

Tumagal na limang buwan ang gulo sa pagitan ng militar at Maute para mabawi ng gobyerno ang Marawi.

Nanawagan rin si Robredo ng pagkakaisa para sa lahat.

“Isa rin itong pambihirang pagkakataon upang mas pagtibayin ang ating nagkakaisang lahi: isang bayang walang iniiwan at tinatalikuran, anuman ang relihiyon, kulay ng balat, o lugar na pinagmulan.” 

FULL STORY HERE
Remate
Pag-alala sa Marawi Siege victims, Muslim refugees, panawagan ni Robredo ngayong Eid’l Adha