BREAKING NEWS: In 6 months, mahigit 4.1 Million na Turista na ang dumagsa sa Pilipinas! Korea Top 1 na bisita. — DoT

Manila, Philippines – Dumagsa na sa 4,133,050 turista mula sa ibang bansa ang bumisita sa Pilipinas sa unang kalahating taon ng 2019.

Ito ay nagmarka ng 11.43 porsyentong dagdag sa tala ayon sa Department of Tourism (DOT).

“We have already breached the 4 million mark within the first 6 months of the year. Seven years ago, it took the entire year to reach 4 million tourists. The Philippine tourism industry has indeed come a long way with better and increased connectivity. New, rehabilitated and expanded airports have contributed much to this growth,” ani Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

“By expanding our portfolio of tourism products and by developing and promoting our lesser-known but emerging destinations, we have attracted a large yet diverse set of foreign travelers and have sustained our growth in the highly-competitive South East Asian region,” dagdag pa nito.

Sa buwan ng June 2019, naitala ang nasa 643,780 turista kumpara sa 530,267 noong June 2018.

Nangunguna pa rin ang South Korea habang pumapangalawa ang China. Nakuha naman ng United States ang pangatlong pwesto na sinundan ng Japan at Taiwan. 

FULL STORY HERE
Remate
4.1M turista dumagsa sa unang kwarter ng 2019 sa Pilipinas – DOT