BREAKING NEWS: Unliquidated Cash Advances ng COMELEC, umabot na ng PHP 1.637 Billion! — CoA

Manila, Philippines – Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang Commission on Elections (Comelec) na agarang i-liquidate ang mga cash advances nito na umaabot sa kabuuang P1.637 Bilyon, kabilang dito ang ginastos nila para sa 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan elections.

Sa isang liham na ipinadala ng COA kay Comelec Chairman Sheriff Abas, nabatid na kabilang dito ang P1.418 bilyon na ginamit sa payroll, mga opisyal na local at foreign travels at iba pang kaganapan,  gayundin ang mga cash advances sa mga nakalipas na taon, na nagkakahalaga ng P219.184 milyon.

Nabatid na ang P1.457 bilyon nito ay napunta sa special disbursing officers at ang P179.884 milyon naman ay sa mga opisyal at mga empleyado.

Sa halagang ibinigay sa special disbursement officers, P1.202 bilyon ang cash advances na ibinigay noong magsagawa ng barangay at SK polls noong Mayo 2018.

Pinaalalahanan din naman ng COA ang Comelec na alinsunod sa batas, kailangang mai-liquidate kaagad ang mga cash advances nito.

Hindi rin pinapayagan ang mga karagdagang cash advances maliban na lamang kung na-liquidate na ang mga nauna dito.

“Repeated unjustified failure to comply with the requirements imposed in this code shall be conclusive proof that the public officer concerned is notoriously undesirable,” bahagi pa ng liham. — Macs Borja

FULL STORY HERE
Remate
COA inatasan ang COMELEC na i-liquidate na ang P1.6B expenses