BREAKING NEWS: Anomalya sa PhilHealth, bubusisiin ni Senator Bong Go kasama ang NBI!

Manila, Philippines – Sisilipin ni Senador Bong Go ang mga fraudulent claims sa PhilHealth sa mga nakalipas na taon.

Sinabi ni Go sa isang panayam na ito ay maliban pa sa pagtutok niya sa paggamit ng  pondo ng  Department of Health at ng PhilHealth para masigurong mapupunta ito sa mga dapat na pinaglaanan.

Samantala, kinumpirma ni Go na kakausapin niya ang National Bureau of Investigation kung bakit na-dismiss ang kaso ng Wellmed dialysis Center na sinasabing sangkot sa mga bogus claims  gamit ang mga patay nang miyembro.

Binigyang diin niya na target niyang walang kahit na piso  sa pondo ng  gobyerno ang masayang  dahil sa mga tiwaling opisyal.

Una nang tiniyak ni Go na target nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinis ang korapsyon sa gobyerno kahit na sino pa ang masagasaan. — Kris Jose

FULL STORY HERE
Remate
Fraudulent claims ng PhilHealth, bubusisiin ni Sen Bong Go