2 most wanted person arestado sa Maynila

Arestado ang dalawang most wanted person sa ikinasang operasyon sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District, unang nahuli ang pangatlong most wanted person na si Jonathan Acuendo Abanto, 19 taong gulang at residente ng Sampaloc.

Sa kahiwalay namang operasyon, nahuli si Adrian Brieva Anegles, 29 taong gulang, pang anim na most wanted person ng MPD.

Parehong mayroong warrant of arrest ang dalawa mula sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa kasong robbery.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa station custodian facilility.

FULL STORY HERE
DWIZ
2 most wanted person arestado sa Maynila