Alejano pinabulaanan ang mga pagbubunyag ni Bikoy

Mariing pinabulaanan ni Magdalo Partylist Group Rep. Gary Alejano ang mga naging pagbubunyag ni alyas ‘Bikoy’ sa naging paglutang nito sa Philippine National Police.

Una nang tinukoy ni Bikoy na nakipagpulong siya sa mga kandidato ng Otso Diretso at ilan pang opposition senators para sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Ayon kay Alejano, itinuturing niyang ridiculous o katawa – tawa ang mga naging pagbubunyag ni alyas ‘Bikoy’.

Aniya, hindi sila tumakbo para lamang sirain o pabagsakin ang gobyerno kundi para maglingkod sa taong bayan.

Sinabi pa ni Alejano na kukunsultahin niya ang kanyang mga kasama sa Otso Diretso para sa planong pagsasampa ng kaso laban kay alyas ‘Bikoy’ sa pagsira sa kanilang reputasyon.

FULL STORY HERE
DWIZ
Alejano pinabulaanan ang mga pagbubunyag ni Bikoy