Malakanyang hindi kumbinsido sa mga isiniwalat ni alyas ‘Bikoy’

Hindi kinagat ng Palasyo ang mga isiniwalat ni Jhomel Advincula alias ‘Bikoy’ sa ginawang pagharap nito sa media matapos na sumuko sa Philippine National Police.

Dito ay itinuro ni alyas ‘Bikoy’ ang oposisyon bilang mga nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos at ‘Operation Sodoma’ na naglalayong mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, tila ang mga mismong nasa likod ng kontrobersiyal na video ang nag aaway away na.

Aniya, mistulang kontrahan sa mga salita ang idinawit na personalidad gaya ni Bikoy, Senador Antonio Trillanes at Partido Liberal.

Dahil aniya sa pagbaliktad ni alyas ‘Bikoy’, nagiging mas kaabang abang na mga susunod na kabanata.

FULL STORY HERE
DWIZ
Malakanyang hindi kumbinsido sa mga isiniwalat ni alyas ‘Bikoy’