Pagbebenta ng ginto sa BSP, exempted na sa buwis

Isinabatas na ang panukalang ililibre sa buwis ang mga pagbenta ng ginto ng small scale miners sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa BSP, inapruba­han ng Kongreso ang Republic Act No. 11256 o An Act to Strengthen the Country’s Gross International Reserves na pi­nirmahan na ni Pangulong Rod­rigo Duterte bilang batas noong March 29, 2019.

Ang GIR ay ang ginto, dolyar, yen at iba pang fo­reign currency na hawak ng BSP. Dito nakikita ang kakaya­nan ng isang bansa na bayaran ang mga binibili nito at inuutang nito sa ibang mga bansa.

Iniexempt ng batas sa excise at income tax ang mga small scale miners na nagbebenta sa BSP ng ginto. Kasama­ sa exemption ang mga accre­dited traders na bumibili sa small scale miners ng ginto para ibenta sa BSP.

Ayon sa BSP, bumagsak ng 99% ang nabibili nitong ginto mula sa mga small scale miners sa 10,000 fine troy ounces nga­yong taon mula sa 900,000 FT­O noong 2010 nang simulang pinatawan ng buwis ang mga nagbebenta rito ng ginto noong 2011.

Sabi ng BSP, muli nang mapalalaki ng BSP ang pagbili nito ng ginto sa bansa para mapalakas ang GIR. Sabi pa ng BSP, P35 milyon lang ang tinatawag na foregone revenue dahil sa pag-eexempt na ng gold sales sa BSP pero ibig sabihin naman nito ay mas marami nang gintong mabibili sa merkado ang mga alahero at iba pa.

FULL STORY HERE
Abante
Pagbebenta ng ginto sa BSP, exempted na sa buwis