3 fixer timbog sa loob ng LTO

TIMBOG ang tatlo umanong fi­xer ng Land Transportation Office (LTO) sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Pasay City Police kahapon nang umaga.

Kinilala ni Police Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police ang nadakip na suspect na sina Benedicto Gaboy Jr., 33-anyos; Ferry Malinao, 52 at Dindo Nazareno, 45, pawang mga nakatira sa Belmont Homes, Brgy. Halang, Naic, Cavite.

Base sa isinumiteng report ni Yang, dakong alas-otso nang umaga nang madakip ang mga suspek sa LTO Compound sa kahabaan ng Domestic Road, Brgy. 191 ng naturang lungsod nang pinagsanib na puwersa ng Pasay City Police at LTO ng National Capital Regional (NCR).

Nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ng LTO ng NCR hinggil sa iligal umanong gawain ng mga suspek dahilan upang hu-mingi ang mga ito ng ayuda sa Pasa­y City Police.

Kaagad namang bumuo ng team si Yang at nagkasa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Sinabi pa ni Yang na matagal nang minanmanan ng mga tauhan ng LTO ang mga suspek at nang magpositibo ay agad nang humingi ng tulong ang mga ito at agad nilang inayuda.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police at nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance No. 624 o fixer in any go-vernment offices within Pasay City.

FULL STORY HERE
Abante
3 fixer timbog sa loob ng LTO