Alvarez umaasa paring makuha ang suporta ni Sara Duterte

Umaasa pa rin si Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na makuha ang suporta ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ay sa plano niyang pagtakbo muli bilang speaker ng 18th congress.

Ayon kay Alvarez, gagawin niya lahat para makuha ang suporta ni Mayor Sara.

Aniya, intensiyon niyang muling maging house speaker para makatulong sa administrayon sa pagsusulong ng legislative agenda ni Pangulong Duterte sa nalalabi nitong tatlong taon sa pwesto.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing ang kanyang anak ang utak sa pagpapatalsik kay Alvarez na pinalitan naman ni House Speaker Gloria Macapagal – Arroyo.

FULL STORY HERE
DWIZ
Alvarez umaasa paring makuha ang suporta ni Sara Duterte