War on drugs pintunayan ng resulta ng halalan na epektibo

Pinatunayan ng resulta ng eleksyon na epektibo ang giyera kontra droga ng Duterte administration.

Ayon ito kay Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa.

Sinabi ni dela Rosa na ang pagkakapanalo nya sa eleksyon ang isang pagpapatunay na tanggap ng taongbayan at epektibo ang oplan tokhang.

Isang halimbawa aniya dito ang metro manila kung saan pinakamarami ang namatay at naapektuhan ng oplan tokhang subalit ginawa pa rin siyang number one nitong eleksyon.

Si dela Rosa ay pang lima sa ranking ng mga nanalong senador sa botong mahigit sa labing syam na milyon.

FULL STORY HERE
DWIZ
War on drugs pintunayan ng resulta ng halalan na epektibo