Basura ng Canada hahakutin na — Palasyo

TUMUGON na ang gobyerno ng Canada para hakutin ang itinapong tone-toneladang basura sa Pilipinas.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo makaraang maglabas ng pahayag ang Department of Fo­reign Affairs (DFA) na hahakutin na sa lalong madaling panahon ang ilang taon ng nakatenggang basura sa Port of Manila at Subic Port.

Ayon kay Panelo, mayroon ng kinumisyon ang Canadian government na shipping company para mahakot ang basura pa­balik sa kanilang bansa.

Sinabi ng kalihim na malinaw ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t marapat lamang na tumugon agad ang Canada.

“The DFA issued a statement that the Canadian government has already directed a shipping company to get the trash back. And according to them, it will be sooner than later,” ani Panelo.

Matatandaang nabigo ang Canada na hakutin ang kanilang basura sa itinakdang May 15 deadline ni Pangulong Duterte na naging dahilan para pauwiin sa bansa ng DFA ang Philippine ambassador at consul general sa nabanggit na bansa.

Ang tone-toneladang basura ay binagsak sa Pilipinas simula 2013 hangang 2014 ng isang pribadong kompanya at pinalitaw na mga plastic bottles lamang ang mga ito.

FULL STORY HERE
Abante
Basura ng Canada hahakutin na — Palasyo