80 opisyal ng DAR kumasa sa lifestyle check

UMABOT na sa 80 opis­yal ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang nagpahayag ng intensyon na sumailalim sa lifestyle check.

Kaugnay nito ay hinikayat ni DAR Secretary John Castriciones ang mga third level official ng ahensya na sumailalim sa voluntary lifestyle check upang malinis ang kanilang hanay at mawakasan ang katiwalian.

“In the exigency of the service and in line with the directive of the President to eradicate systemic graft and corruption in all branches of government service, all third level officials are encouraged to be subjec­ted to a voluntary lifestyle check,” nakasaad sa memorandum na ipinalabas ng kalihim.

Ang mga third level official ay kinabibilangan ng mga undersecretary, assistant secretary, director at assistant director.

Ang sasailalim sa mga lifestyle check ay ililista ng DAR-Office of the Secretary at isusumite sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Si Castriciones ay una nang bumuo ng anti-corruption task force upang labanan ang korapsiyon sa DAR.

Pangunahing mandato ng task force ay magsagawa ng im­bestigasyon batay sa mga nakukuha nitong impornasyon.

FULL STORY HERE
Abante
80 opisyal ng DAR kumasa sa lifestyle check