Mag-utol na wanted nalambat sa Batangas

NALAMBAT ng mga awtoridad ang magkapatid na wanted sa iba’t ibang kaso sa sa pinagtataguan ng mga ito sa Sto. Tomas, Batangas kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni P/Col. Edwin Quilates, provincial director ng Batangas Police, ang mga naaresto na sina Bobby Losande Llames, 37-anyos, at Jaydie Losande Llames, 19, parehong tubong-Brgy. Tagaytay, Camalig, Albay.

Ang dalawa ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Sto. Tomas at Camalig Police, ala-una ng hapon sa Brgy. Sta. Clara sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court, Branch 9, Legazpi City.

Ang matandang Llames ay number 1 sa Most Wanted person ng Camalig dahil sa kasong serious illegal detention with rape na nangyari noong 2009 sa Bicol.

Si Jaydie naman may kasong frustrated homicide na nangyari noong 2018.
Dinala na ang dalawa sa kostudiya ng Camalig Police at ihaharap muli sa korte sa Legazpi para sa disposisyon.

FULL STORY HERE
Abante
Mag-utol na wanted nalambat sa Batangas