2 tulak todas, 24 nadakip sa Bulacan drug ops

DALAWANG hinihinalang tulak ng droga ang nasawi habang 24 na iba pa ang arestado sa pagpapaigting ng Simu-ltaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO), kamakalawa.

Ayon kay BPPO director P/Col. Chito Bersaluna, nasawi ang isang alyas ‘Bong’ Retuya, na kabilang umano sa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ng San Rafael Police Station. Gayundin si Edwin Domingo, 42, ng Sitio Morning Glory, Kariapay, Dulong Bayan, San Jose del Monte City.

Nabatid na may kasama ni alyas Bong na nagtutulak ng shabu bandang alas-10:30 nang gabi nang makahalata ito na pulis ang kanyang k­atransaksiyon

Lumaban sa mga pulis si alyas Bong habang tumakas naman ang kasamahan.

Narekober dito ang walong plastic sachet ng shabu, kalibre .45 pistola, buy-bust money at motorsiklo na walang plaka.

Nakatunog din umano si Domingo na pulis ang katransaksiyon sa droga kaya lumaban sa mga pulis sa Sitio Upao Brgy. Muzon, kaya napatay ng mga awtoridad.

Nakumpiska kay Domingo ang 15 sachet ng shabu, isang kalibre .38 revolver, buy-bust money at isang orange Mio sporty motorcycle na walang plaka.

Dinala naman sa Camp Alejo Santos sa Malolos City ang 24 na naaresto.

FULL STORY HERE
Abante
2 tulak todas, 24 nadakip sa Bulacan drug ops