Pagharang ng mga Immigration officers sa Hong Kong hindi maaaring kuwestiyunin — DOJ

Hindi maaring kuwestiyunin ng Pilipinas ang ginawang pag-harang ng mga Immigration officers sa Hong Kong kay dating. Ombudsman Conchita Carpio-Morales

Ito’y ayon sa Department of Justice (DOJ), makaraang hindi payagan ng mga Immigration officers si Morales at ang kaniyang pamilya na makapasok sa Hong Kong dahil sa umano’y pagiging “security threat” nito sa nasabing lugar.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, may ekslusibo at kapangyarihan ang Hong Kong na haranging ang sinumang dayuhan na papasok sa kanilang teritoryo.

Samantala, aminado rin naman si Guevarra na hindi rin niya batid kung bakit hindi pinahintulutang makapasok si Morales sa Hong Kong.


Pagharang kay Morales sa Hong Kong may kaugnayan sa West PH Sea — Del Rosario

Naniniwala si dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario na may kaugnayan ang pagharang ng mga otoridad kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito’y makaraang pigilan ng mga otoridad si Morales, at ang kaniyang pamilya na makapasok sa Hong Kong.

Ayon kay Del Rosario, kumpiyansa siya na ang inihain nilang kaso laban kay Chinese President Xi Jinping ang dahilan kung bakit ito hinarang ng mga otoridad sa Hong Kong International Airport.

Matatandaang, noong Marso lamang ng maghain ng reklamo sina Morales at Del Rosario laban kay President Xi, sa International Criminal Court (ICC).


Morales dumating na sa bansa

Tinawag na “harassment” ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang ginawang pagharang sa kaniya ng mga immigration officers, sa Hong Kong International Airport.

Ito ang binigyang diin ni Morales, matapos niyang makabalik sa bansa dakong alas otso singkwenta kagabi.

Aniya, nakatitiyak siya na ang naging hakbang na ito ng mga otoridad sa hong kong ay may kaugnayan sa kasong i-sinampa nila ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario laban kay Chinese President Xi Jinping.

Samantala, inihayag naman ni Deputy Consul Gen. of the Philippines in Hong Kong na si Germinia Usudan na dakong alas sais ng gabi rin kahapon ng payagan si Morales na muling makapasok sa Hong Kong, ngunit naka-biyahe na aniya ito pabalik ng Pilipinas.

FULL STORY HERE
DWIZ
Pagharang ng mga Immigration officers sa Hong Kong hindi maaaring kuwestiyunin — DOJ