Minorya ng Kamara pina-iimbestigahan ang election glitches

Pinaiimbestigahan ng minorya sa Kamara ang mga aberyang nangyari nitong nakalipas na midterm elections.

Ito, ayon kay Albay First District Rep. Edcel Lagman, kung saan sinabi nito na kaduda-duda ang halos pitong oras na technical glitch sa transparency server ng Comelec.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Akbayan Party-list rep. Tom Villarin na dapat magsagawa ng “extensive probe” ang Senado dahil hindi malayong may naganap na dayaan sa ilang oras na pagbagsak ng transparency server.

Samantala, muli namang nanindigan ang Comelec na walang anumang dayaan na naganap, at technical glitch lamang ang tanging dahilan ng naganap na aberya.

FULL STORY HERE
DWIZ
Minorya ng Kamara pina-iimbestigahan ang election glitches