Tone-toneladang basurang itinambak ng Canada sa PH posibleng hakutin anumang araw

Posible nang hakutin anumang araw ng Canada ang tone-toneladang basurang itinambak nito sa Pilipinas.

Ito ang naging pagtitiyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nitong nakipag-ugnayan na ang Canada sa shipping company na hahakot ng basura sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inatasan na ng Canadian government ang shipping company na kunin ang tone-toneladang basura sa bansa.

Samantala, aminado naman si Panelo na hindi pa rin niya alam ang eksaktong petsa kung kailan ito hahakutin sa Pilipinas.

Matatandaang, kamakailan lamang ng i-pa recall ng DFA ang Philippines ambassador at consuls sa Canada, matapos nitong mabigong hakutin sa itinakdang petsa ang mga naturang basura.

FULL STORY HERE
DWIZ
Tone-toneladang basurang itinambak ng Canada sa PH posibleng hakutin anumang araw