Suspek sa pamamaslang sa isang OFW sa Kuwait kinasuhan na

Sinampahan na ng kasong kriminal ang suspek sa pagpatay at pagsasamantala sa overseas Filipino worker (OFW) na si Constancia Lago Dayag sa Kuwait.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kumuha na ng abogado ang Philippine Embassy sa Kuwait na siyang naghain ng kaso laban sa suspek.

Gayunman, hindi pinangalanan ng DFA kung sino ang kanilang kinasuhan.

Magugunitang dinala si Dayag ng kanyang amo sa ospital pero hindi na umabot nang buhay.

Pinamamadali na ng kagawaran ang paglalabas ng forensic report ni dayag upang mabatid ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.

FULL STORY HERE
DWIZ
Suspek sa pamamaslang sa isang OFW sa Kuwait kinasuhan na