Sara Duterte tumangging makipag-ayos kay Alvarez

Tumanggi si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na makipag-ayos kay reelected Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez.

Hulyo noong isang taon nang magka-alitan ang dalawa matapos mapatalsik si Alvarez bilang House Speaker dahil sa impluwensya ng alkalde.

Ayon kay Duterte, wala siyang balak makipag-ayos sa kongresista dahil hindi naman ito seryoso.

Ibinunyag din ni Mayor Inday sara na nakunan ng video ang mambabatas kung saan nagbanta ito na ipapahiya siya kaya’t mananatili anyang delikado ang pakikipag-ayos kay Alvarez.


Aminado si Presidential daughter Sara Duterte-Carpio na palaisipan pa rin para sa kanya kung may plano rin ang kapatid na si Davao City Congressman-elect Paolo Duterte na maging House Speaker.

Ayon kay Mayor Inday, tanging makasasagot ng issue ay ang kanilang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw  ng alkalde na bagaman mayroon siyang pambato sa pagka-House Speaker, wala aniya siyang intensyon na impluwensyahan ang kongreso dahil ang mga bagong halal na kongresista pa rin ang magpapasya.

Samantala, itinanggi naman ng presidential daughter na inendorso niya si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang susunod na House Speaker.

FULL STORY HERE
DWIZ
Sara Duterte tumangging makipag-ayos kay Alvarez