P534-M na multa sa Manila Water posibleng madoble pa

Posibleng madoble pa ang ipinataw na P534 million na multa sa Manila Water.

Ito’y ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), bunsod ng patuloy na nararansang kakulangan ng suplay ng tubig, ng ilang mga consumers sa Metro Manila.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ang ipinataw na P534 million na multa ay para sa naranasang water interruption nitong Marso.

Ngunit kung hindi aniya maibabalik ng Manila Water sa normal ang kanilang operasyon sa pagsapit ng Agosto ay posibleng madoble pa ang kanilang babayaran na multa.

Kasabay nito, ini-anunsiyo rin naman ni Ty na aabot sa P2,167 ang matatanggap na rebate ng mga konsyumer na matinding naapektuhan ng nasabing water interruptions, kung saan mababawas ito sa kanilang water bill para sa buwan ng Hunyo.

FULL STORY HERE
DWIZ
P534-M na multa sa Manila Water posibleng madoble pa