Albayalde sa mga dayuhang kritiko: Tara sa ‘Pinas!

INIIMBITAHAN ni Phili­ppine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang international critics ng gobyerno ng Pilipinas na bumisita sa bansa upang makita nila mismo ang situwasyon ng peace and order gayundin ang laban kontra iligal na droga na iniimplimenta dito.

Nauna rito’y binatikos ng Malacañang ang comedy actor na si Hasan Minhaj dahil sa ginawa nitong maling portrayal kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang mga senatorial candidate at ang war on drugs­ sa palabas na “Patriot Act” na inilabas nitong Mayo 12 sa Netflix.

“Well this is the very reason bakit siguro yung bansa natin ay parang napo-portray as parang napakagulo­ that’s why we cha­llenge these people to come here to our country and see for themselves kung ano sitwasyon natin on the peace and order and sitwasyon on the war on illegal drugs. This is unfair sa ating administration, sa mga nagtatrabaho sa atin sa Pilipinas para i-portray ng ganito yung ating bansa sa ibang bansa kaya nagkakaroon ng mis-interpretation or misconception na magulo­ ang ating bansa,” pahayag ni Alba­yalde sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.

“Sana naman sila ay pumunta dito although we respect na jokes yan. In other countries kahit presidente nila kung biruin nila sa TV, social media talagang grabe hindi ba but of course kailangan maging res­ponsible din tayo sa pagbibiro,” dagdag ng opisyal.

Sa inilabas na statement ni Communications Secretary Martin Andanar, binatikos nito si Hasan sa pagtawag na “autocraft” at sa eksaheradong bilang ng mga napatay sa kampanya kontra iligal na droga sa bansa.

Nirerespeto naman umano ng opisyal na biro lang ang ginawang role ni Hasan subalit sana naman ay maging responsible umano sila sa kanilang mga pinapalabas.

FULL STORY HERE
Abante
Albayalde sa mga dayuhang kritiko: Tara sa ‘Pinas!