Politiko maglilibot sa PH dahil sa pagkatalo

UPANG aliwin ang kanyang sarili sa pagkatalo sa nakaraang halalan, iikutin daw ng politiko ang lahat ng panig ng Pilipinas.

Imbes na gamitin ang SUV, big bike daw ang sasakyan ng politiko sa pag-iikot sa bansa.

Masakit ang pagka­talo ng politiko sa nakaraang halalan kaya nakaisip ito ng paraan kung paano aaliwin ang sarili.

Siyempre, kasama sa tour ng politiko ang kanyang mga bodyguard dahil delikado na magbiyahe lamang ito nang mag-isa.

Ang ganitong gimik ay dati nang ginawa ng isang talunang kandidato noong 2016 elections kung saan nag-ikot rin siya sa bansa gamit naman ang kanyang SUV.

Pintahan n’yo na. Ang politiko na mag-iikot sa bansa matapos matalo sa nakaraang halalan ay mula sa kilalang angkan. May letrang E sa kanyang pangalan as in E-bike.

FULL STORY HERE
Abante
Politiko maglilibot sa PH dahil sa pagkatalo