P5.3-M halaga ng pinaghihinalaang cocaine narekober sa Albay

Panibagong bloke ng hinihinalang cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P5.3-M ang narekober sa baybaying bahagi ng Rapu-Rapu, Albay.

Ayon sa PNP Albay, nakita ng mga mangingisda ang bloke ng cocaine na may bigat na 1kg, pasado alas-3 ng hapon noong Biyernes sa Barangay Calanaga.

Itinurnover naman ng mga mangingisda sa Rapu-Rapu municipal police station ang mga hinihinalang cocaine noong Sabado.

Nakatakda naman itong isailalim sa examination ng regional crime laboratory para makumpirma kung cocaine nga ang mga ito.

FULL STORY HERE
DWIZ
P5.3-M halaga ng pinaghihinalaang cocaine narekober sa Albay