Tricycle driver, hinangaan ng dayuhang estudyante matapos isauli ang nawala niyang bag

Laking pasasalamat ng isang dayuhang estudyante sa isang tricycle driver nang maibalik sa kaniya ang nawala niyang bag kung saan pa naman nakalagay ang kaniyang pasaporte sa Legazpi City, Albay.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing nagpapasada ng kaniyang tricycle sa Barangay Pawa si Ernesto Legaspi Jr., nang makita niya ang isang bag sa tabi ng kalsada na malapit sa police station.

Kaagad na pinulot ni Legaspi ang bag at dinala sa police station para maibalik sa mayroon.

Nagkataon naman na nasa police station din pala ang may-ari ng bag na isang estudyanteng Indian national kaya kaagad na naibalik sa kaniya ang kaniyang gamit.

Laking pasasalamat ng dayuhan sa tapat na tricycle driver dahil nasa naturang bag ang kaniyang pasaporte at mga personal na mga gamit.

FULL STORY HERE
GMA News
Tricycle driver, hinangaan ng dayuhang estudyante matapos isauli ang nawala niyang bag