Comelec magsasagawa ng special election sa Jones, Isabela

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na magsasagawa sila ng special elections sa bayan ng Jones sa lalawigan ng Isabela bukas Mayo 20, araw ng Lunes.

Gaganapin umano ang special elections sa Barangay Dicamay 1, matapos na sunugin ng dalawang armadong katao ang mga VCM sa naturang lugar, noong Mayo 13, mismong araw ng halalan.

Pahayag ng komisyon, pinagtibay ng Comelec En Banc ang inilabas nilang resolusyon para sa muling pagsasagawa ng botohan sa Jones, Isabela para sa local at national positions.

Una nang naaresto ng mga otoridad ang mga suspek na sumunog sa mga election paraphernalia sa nabanggit na bayan kung saan kinilala ang mga ito na sina Jayson Leano at Rodel Pascual.

FULL STORY HERE
DWIZ
Comelec magsasagawa ng special election sa Jones, Isabela