Health employee sa Cebu arestado sa 1.6M shabu

UMAABOT sa P1.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Toledo PNP at Cebu City PNP sa magkahiwalay na buy-bust operation, kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Col. Janette Rafter ng Toledo­ City Police Station ang suspek na si Angie­ de Gracia, nasa hustong gulang, job order employee­ ng Provincial Health Office, na ina­resto sa ikinasang buy-bust operation.

Nakuha mula kay De Gracia ang 220 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Samantala sa Cebu City, timbog si Sherwin Simbahon, 25-anyos, ambulance driver matapos makuhanan ng 50 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Kamalig, Brgy. Labangon.

Nakumpiska mula kay Simbahon ang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

FULL STORY HERE
Abante
Health employee sa Cebu arestado sa 1.6M shabu