Para may maipakain sa anak Nanay na ‘tulak’ laglag

KAPAKANAN umano ng mga anak ang nagtulak para magbenta ng shabu ang isang ina na inaresto ng Pasig Police sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa nang gabi sa Brgy. Palatiw.

Nakilala ang suspek na si Helen Maribel y Arcilla, walang trabaho at residente ng Brgy. Palatiw, Pasig City na nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), isinagawa ang buy-bust ope­ration bandang alas-11:00 Biyernes nang gabi sa kahabaan ng Evangelista Compound, Brgy. Palatiw matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) kaugnay ng pagbebenta ng iligal na droga ng suspek.

Nahuli ang suspek matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer. Nakuha sa pag-iingat nito ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Paliwanag pa ng suspek na pangkain umano ng kanyang pamilya ang kinikita niya sa pagbebenta ng shabu.

FULL STORY HERE
Abante
Para may maipakain sa anak Nanay na ‘tulak’ laglag