6 Pinoy firm pasok sa Forbes Global 2000

Anim na mala­laking kompanya sa Pilipinas ang nakapasok sa Forbes Magazine’s Global 2000 list, isang international ranking ng pinakamalalaki, makapangyarihan at pinakamahalaga sa buong mundo.

Batay sa inilabas­ na 17th annual Global 2000 roster­ (www.forbes.com/global­2000), kabilang sa mga kompanya ng Pilipinas na pumasok ay ang: BDO Unibank, SM Investments Corp., Top Frontier Investment Holdings (the controlling shareholder­ of conglomerate San Miguel Corp.), Ayala Corp., Metropolitan Bank & Trust Co., at JG Summit Holdings Inc.

Ang BDO ang na­ngunguna sa lokal na mga kompanya na nasa pang-1,018 habang ang parent conglomerate na SM Investments ay nasa pang-1,092.

Napunta ang top frontier sa pang-1,196 habang ang Ayala na pinakamatandang business house sa Pilipinas ay nasa 1,236.

Ang Metrobank at JG Summit ay pang-1,639 at 1,720, ayon sa pagkakabanggit.
Ang pagkakasunod- sunod ay ibinatay sa analysis ng Forbes sa apat na panukat: benta, kita, ari-arian, at kaha­lagahan sa pamilihan.

Ayon sa Forbes magazine, ang 17th annual ranking ng pinakamalalaking pampublikong kompanya sa mundo ay isang la­rawan ng estado ng pandaigdigang ekonomiya ngayon:­ na nangingiba­baw, at lumalago.

Sa ikapitong magkakasunod na taon, ang Industrial & Commercial Bank of China ang nangunguna sa pandaigdigang listahan habang ang JPMorgan­ Chase & Co. ay nau­ngusan ang China Construction Bank na nakakuha ng pangalawang puwesto.

Ang apat na higanteng bangko ng China ay nanatili sa top 10. Ang Agricultural Bank of China ang nasa pang-apat at ang Bank of China ay nasa pangwalo.

Ang nangungunang 10 mga kompanya sa listahan ng Forbes ‘2019 Global 2000 at kani-kanilang mga sektor ay ang mga sumusunod: Industrial & Commercial Bank of China (China) – banking; JPMorgan Chase (US) – diversified financials; China Construction Bank (China) – banking; Agricultural Bank of China (China) – banking; Bank of America (US) – banking; Apple (US) – technology hardware and equipment; Ping An Insurance (China) – insurance; Bank of China (China) – banking; Royal Dutch Shell (Netherlands) – oil and gas operations; Wells Fargo (United States) – diversified financials.

FULL STORY HERE
Abante
6 Pinoy firm pasok sa Forbes Global 2000