Smartmatic palitan na — Sotto

Iginiit ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto na palitan na ang Smarmatic bilang system provider ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa maraming aberya na dinulot nito sa nakaraang midterm election.

Sa isang panayam, inamin ni Sotto na matagal na dapat pinalitan ang Smartmatic dahil noong 2016 elections ay maraming naging problema na hindi naman malinaw na natugunan nito at sa katatapos na May 13 election ay muling naulit ang mga mga kapalpakan katulad ng mga hindi gumanang vote counting machine (VCM).

“Matagal na. Nung Jan pa sinasabi ko na yan eh, ang problema nung nag-privilege ako nakapag-award na pala ang Comelec eh, remember? Kasi napakaraming naging problema and my sources, definitely alam na nila na taga-Smartmatic yung isa at yung isa ay ginamit nila,” sabi pa ni Sotto.

Ang Smartmatic ay isang Venezuela-based company na nag-supply ng mga VMC para sa May 13 midterm election at sa tatlo pang nakaraang automated election sa Pilipinas.

“As far as Smartmatic is concerned, I really seriously doubt the issues that were raised by my sources in the 2016 elections. Pero ang nase sense ko rin at yun rin naririnig ko sa mga insiders ko sa Comelec, ingat na ingat dito sa 2019 elections para hingi mapatunayan at mapagbintangan na nagkaroon ng problema sa 2016. Kaya kung Smartmatic ang pag-uusapan, palagay ko nag super ingat sila dyan. Wala yung mga early transmission. Wala yung mga queuing server,” ayon pa sa senador.

Kasabay nito, sinuportahan ni Sotto ang pinatawag na pagdinig ng Senado ukol sa katatapos na midterm election para aniya maliwanagan lahat.

FULL STORY HERE
Abante
Smartmatic palitan na — Sotto