2 timbog sa panununog ng VCM, election paraphernalia

NAARESTO na ng pulisya ang dalawang responsable sa pagsunog ng dalawang vote counting machine (VCM) at mga election paraphernalia kamakalawa sa Brgy. Sta. Isabel sa bayan ng Jones, Isabela.

Ayon kay Police Lt. Col. Chevalier Iringan, taga-pagsalita ng Police Regional Office (PRO) 2, kasalukuyan ng nakakulong sa Jones Municipal Police Station (MPS) ang mga suspek na sina Rodel Pascual at Jayson Leanio.

Si Pascual ay nadakip dakong alas-10:30 nang gabi kamakalawa sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya sa Brgy. Diarao ng nasabing bayan, habang si Leanio ay sumuko naman sa Sta. Isabel Barangay Captain dakong alas-9:30 nang umaga kahapon.

Ayon kay Iringan, ang dalawang suspek ay nakilala ng isang saksi matapos nilang harangin ang sasakyan na pinaglalagyan ng nasabing VCM at mga election paraphernalia sa Brgy. Sta. Isabel dakong alas-6:20 nang umaga kamakalawa at patungo sana sa munisipyo ng bayan upang doon bilangin.

Ang nasabing VCM at election paraphernalia ay naglalaman ng halos 200 hindi pa nababasang balota mula sa Barangay Dicamay.

Matapos makuha ay agad nang sinunog ng mga suspek ang mga nakuhang VCM at mga election paraphernalia at nang masigurong hindi na pakikinabangan ay saka mabilis na tumakas.

Subalit lingid sa kanilang kaalaman ay mayroong saksing nakakilala sa kanila na nakipagtulungan sa pulisya dahilan upang masakote ang mga ito.

FULL STORY HERE
Abante
2 timbog sa panununog ng VCM, election paraphernalia