Isko ‘di lulubayan si Erap

TINIYAK kahapon ni Mayor-elect Isko Moreno na sisilipin niya ang pinansiyal na kondisyon ng Manila City Hall sa pagsisimula ng kanyang termino sa Hulyo1.

Gayundin ang mga ipinasok na kontrata sa basura at ang problema sa koleksyon ng basura.

Aalamin rin ni Moreno kung may utang na P200 milyon sa GSIS ang lokal na pamahalaan mula sa kontribusyon ng mga empleyado.

Titingnan din ni Moreno kung talagang may P14 bilyon city funds ang iniwan ni outgoing Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.

‘This statement is quite confusing to me specially in view of recent reports that the city government currently owes the GSIS over P200 million. So, we will really have to check,’ ayon kay Moreno.

Nabatid na sa liham ng GSIS na may petsang Marso 1, pinaalalaha­nan ng GSIS ang city government kaugnay sa P204,215,076.45 kontribisyon ng mga empleyado na hindi inire-remit.

Gayunman pinasala­matan ni Moreno si Estrada sa pahayag nito na magiging maayos ang pagpasok ng kanyang administrasyon.

Gayundin nagpasa­lamat siya kay dating Manila Mayor Alfredo Lim dahil sa pagbati sa kanya at kay Vice Mayor Honey Lacuna at pagsuporta sa kanyang administrasyon.

FULL STORY HERE
Abante
Isko ‘di lulubayan si Erap