12 nanalong senador ipoproklama sa Biyernes

INAASAHANG maka­pagpo-proklama na ng mga nanalong senador ang Commission on Elections (Comelec) sa loob ng linggong ito.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, target ng Come­lec na maiproklama ng sabay-sabay ang lahat ng 12 mananalong senador.

Aniya, maaaring sa Biyernes ay maisakatuparan na nila ito.

Martes nang hapon nang umpisahan ng Comelec ang canvas­sing at paglalabas ng opisyal at partial na resulta ng eleksyon.

Samantala, hiniling ng National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) sa Comelec na i-transmit na ang lahat ng election returns (ERs) dahil ang mga natitira at hindi pa nababasang election returns ay kritikal pa rin sa mga kandidatong nasa hulihang puwesto.

Lumilitaw umanong umaabot pa lang sa 97.75 porsyento o 83,842 na partial at unofficial results ng election returns sa buong bansa ang naipadala ng Comelec transparency server sa kanilang mga partner watchdog at mga media outlet.

“Comelec municipal and provincial election officers should exert all efforts to transmit unreported ERs to reduce the 2.25% untransmitted ERs because the numbers are critical in the senatorial contest where the figures among those in Numbers 10 to 14 positions are very close,” ayon sa Namfrel.

As of 5:01 p.m. nitong Miyerkoles, nananatili sa ika-10 puwesto si da­ting Sen. Bong Revilla, Jr. At sinundan nina Senator Koko Pimentel, Nancy Binay, JV Ejercito at Bam Aquino.

Malaking boto pa ang hinihintay mula sa Mindanao, partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

FULL STORY HERE
Abante
12 nanalong senador ipoproklama sa Biyernes