Coco ‘di nakatulong: Mark Lapid ligwak sa Pampanga

Parehong natalo sa eleksyon ngayon sina Mark Lapid at Gary Estrada. Si Mark ay tumakbong mayor ng Porac, Pampanga habang si Gary naman ay bilang vice mayor ng Cainta.

Pareho rin silang mga artista na may mga teleserye bago nagsimula ang kampanya. Si Mark ay galing pa sa highest rating primetime series na “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Sa mga kampaniya ni Mark ay dumadagsa ang mga tao dahil kay Coco Martin na dalawang beses na personal na pumunta sa Porac, Pampanga para ipangampanya si Mark.

Sangkatutak ang mga tao sa dalawang beses na appearance ni Coco sa Porac. Pero still, hindi si Mark ang nagwagi ngayong eleksyon.

Kaya hindi rin talaga basehan ang dami ng tao sa bawat campaign sortie.

Sina Mark at Gary ay parehong may misis na artista, sina Tanya Garcia at Bernadette A­llyson respectively. At kahit sa pagkatalo ng mga ito, ipinadama pa rin nila ang respeto at pagmamahal nila sa mga mister nila.

“God has better plans for you my loves @marklapid, to me you will always be the best public servant ever!” sabi ni Tanya.

Sa isang IG post ni Tanya, nag-comment naman si Bernadette na, “Very true Tans!! He knows what’s best for us.”

Tatay ni Chynna pumanaw na

Pumanaw na ang ama ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza noong Lunes, sa panahon ng election. Personal na kilala namin ang Papa ni Chynna at alam namin kung gaano karaming politician din ang lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong at payo.

Bata pa noon si Chynna ay naging producer ang mga magulang niya. Napakaraming magagandang wisdom na nai-impart nito lalo na sa mga nakakausap at nakakasama.

Nang kamustahin namin si Chynna pagkatapos niyang mag-post at ipaalam sa lahat ang pagpanaw ng ama, sinagot niya kami ng, “holding on…”

Sa post ni C­hynna, ipinakita niya kung paano i-honor ang isang amang tulad ni Gryk

O­rtaleza.

“My brilliant father Gryk Ortaleza has been called on to greater heights. The Lord needs you back now. He gave you your one of a kind mind and soul. Who are we to feel sad about your return to His Kingdom? You can now collaborate with Our Lord. I feel so excited about how you can now orchestrate your ideas with the universe as your background with the ultimate privilege of collaborating with the best Artist.

“Thank you for your outstanding contributions to Advertising, Music & Cinema.

Most of all thank you for lo-ving Mama and our family. For doing everything in your power to give us a fantastic adventure & instil-ling strength, wisdom & integrity.

“See you one day in a place of endless dreams. I love you,” sabi ni Chynna.

Napaka-close ni Chynna sa mga magulang niya kaya alam namin na hindi madali para rito ang pagkawala ng ama. Huli naming nakitang magkakasama sila ay sa gender reveal nina Chynna at Kean Cipriano para sa second baby nila which is a boy na hindi na makikita ng Papa niya.

Ironically, buntis din si Chynna nang pumanaw ang Daddy naman ni Kean noong 2016. Parang minsan sa paniniwala na, may nawawala, may dumarating.

Kean ipinagmayabang si Gryk Ortaleza

Katulad ni Chynna, touc-hing din ang message ni Kean Cipriano sa kanyang father-in-law.

“Habangbuhay kong ipagmamayabang sa mundo na father-in-law ko si Gryk Ortaleza. Siya ang sumulat ng mga kantang ‘Umagang Kay Ganda’, ‘Mamang Sorbetero’, ‘Hallmark memories’ atbp. Maraming siyang naiambag sa mundo ng Advertising, Pelikula at Musika.

“Napakalaki ng naimbag nya sa kung sino at anong klaseng tao ako ngayon.

Salamat Papa. – – – –
“Hindi man tayo nakapagsama ng sobrang tagal, naramdaman ko ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Maraming Salamat Papa!

Magpahinga ka na. Deserve mo yan papa. I’m sure you’re in a peaceful place now. Please send my love to Daddy kapag nagkita kayo dyan. Hanggang sa muli Pa! Mag-brainstorm tayo sa langit pagdating ng panahon. I love you Papa. REST IN PEACE.”

Kahapon ginanap ang inurnment sa Christ The King, G­arden of the Divine Word kung saan nagkaroon ng celebration of his life.

FULL STORY HERE
Abante
Coco ‘di nakatulong: Mark Lapid ligwak sa Pampanga