Aiai Delas Alas, nag-resign bilang manager ng Ex-Battalion

Inihayag ng Philippine Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa isang press conference na binibitawan na niya bilang manager ang grupong Ex-Battalion.

Ayon kay Aiai, hindi na siya nirerespeto ng ilang miyembro nito kaya minabuti na niyang tapusin ang kanilang kontrata.

“Wala naman akong pakielam sa private nilang buhay. Ang akin is ‘yung professionalism, and ‘yung how they treat people, how they treat me,” saad ni Aiai.

“Minsan walang respeto. Hindi nila ako sinusunod,” dagdag ng comedy queen.

Kuwento pa ni Aiai, matagal na dapat siyang aalis bilang manager ng grupo pero hinintay niya munang ipalabas ang kanilang pelikula na “Sons of Nanay Sabel.”

“Actually matagal na dapat akong magre-resign. Nahihiya lang ako sa Viva kasi may film kami na lalabas.

“Since lumabas naman na yung film, okay na masabi ko na mag-quit ako.”

Ayon kay Aiai, stress lang ang kanyang nakuha sa pagiging manager ng grupo dahil ilang beses siyang sinasagot-sagot ng mga ito.

“At least nakatulong ako sa kanila. ‘Yun naman ‘yung parati kong sinasabi sa kanila na ‘Lahat ng ginagawa ko para sa inyo, wala akong ginagawa para sa sarili ko,'” ani Aiai.

Nagsisisi naman si Aiai na tinanggap niya ang pagiging manager ng Ex-Battalion dahil ang grupo mismo ang lumapit sa kanya.

“Lumapit sila sa akin para tulungan ko sila e. Tinulungan ko sila tapos hindi nila na-a-appreciate at saka wala silang respeto sa akin and they don’t trust me.”

FULL STORY HERE
GMA News
Aiai Delas Alas, nag-resign bilang manager ng Ex-Battalion