FACT CHECK MO. Abogado huli sa checkpoint sa Makati matapos dumaan sa fast lane kahit hindi frontliner (By ABS-CBN)


#FactCheckMo #GNBC

FOR YOUR INFORMATION. The FACT CHECK MO posts published in this website are screenshot evidences of News Articles published by News Media. The accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and are required to practice Responsible Journalism. Any Journalistic Malpractice is subject to the governing laws of the Philippine Constitution. 

Should you notice any False Information, “Fake News”, or Misleading Content in their News Articles please complain through the Presidential Complaint Center (PCC). You may use the screenshot evidences provided by FACT CHECK MO.

The services of the Center may be availed of by letter-senders:
Via email – thru email address: pcc@malacanang.gov.ph
Via postal service – thru PCC official address at Bahay Ugnayan, J.P. Laurel Street Malacañang, Manila.
Via facsimile thru Telefax No. +63(2)-87368621 

PCC may be reached thru the following telephone connections:
+63(2)-8736-8645
+63(2)-8736-8603
+63(2)-8736-8629
+63(2)-8736-8621

Abogado huli sa checkpoint sa Makati matapos dumaan sa fast lane kahit hindi frontliner

May 23, 2020

MAYNILA – Arestado ang isang abogado sa isang checkpoint sa Makati matapos dumaan sa fast lane na para lamang sa mga frontliners sa COVID-19 response at pagmamaneho ng walang lisensiya.

Ayon sa arresting officer na si Police Cpl. Jefferson Boles, nakabantay ang mga pulis sa isang quarantine control point sa Osmeña highway sa Makati Biyernes ng gabi nang pahintuin nila ang isang Mercedes Benz na dumaan sa fast lane para sa inspeksyon.

Nang tanungin ang driver, wala itong naipakitang ID mula sa Inter-Agency Task Force on COVID-19 response na nagpapatunay na isa nga siyang frontliner at maaaring dumaan sa fast lane.

Ayon pa sa pulis, pinababa nila ang driver pero sinabihan pa sila na “Aabalahin mo pa ba ako sa simpleng bagay na ‘yan.”

Matapos ang ilang minutong diskusyon, hiningan na siya ng driver’s license. Pero wala ring naipakitang lisensiya ang 53 anyos na abogado, na napag-alamang taga Ayala Alabang sa Muntinlupa.

Samantala, 28 katao naman ang hinuli sa Pandacan, Maynila dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa labas ng kanilang bahay.

Nagpapatrol ang mga pulis ng Beata at Labores Police Community Precinct at nakita ang mga tao na naglalakad sa kalsada na walang suot na face mask, isang paglabag sa ordinansa sa lungsod.

Paalala ng pulis sa publiko, magsuot lagi ng face mask kung lalabas ng bahay sa gitna ng patuloy na mga quarantine guidelines sa gitna ng COVID-19 pandemic.

– ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

SOURCE/S
Abogado huli sa checkpoint sa Makati matapos dumaan sa fast lane kahit hindi frontliner