PALUSOT PA GYUD?! Pinabulaan ni Senador Koko Pimentel ang mga kumakalat na ulat.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Hindi ako nag-tour sa MMC – Koko

March 25, 2020

Pinabulaan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga kumakalat na ulat na nagbabad siya delivery room ng Makati Medical Center nang magtungo ito sa naturang ospital kasama ang kanyang maybahay na si Kathryna Martes ng gabi.

Ayon sa senador, pumasok sila sa ospital sa pagitan ng alas-6:00-7:00 ng gabi noong Martes at natanggap naman niya ang tawag ng Research Institute of Tropical Medical (RITM) dakong alas-9 ng gabi kung saan ibinalita na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sinabi umano niya ito OB Gyne ng kanyang asawa at lumabas na agad ng ospital. Subalit paglilinaw nito hindi umano siya pumasok sa delivery tulad ng kumakalat sa social media.

“6-7pm checked in the hospital. RITM called me 9pm. I told the OB even before I told my wife. Then I left her in d hospital. I never went inside the delivery room,’ sabi ni Pimentel sa pinadalang mensahe.

Kung may nakakakita man aniya sa kanya sa ospital, iyon ang kanyang paglabas sa ospital at hindi sa delivery room lalo na’t hindi pa naman nanganak ang asawa niya noong oras na iyon.

“Since I was already inside then I had to leave. Hence I had to walk out of the hospital. Walking out po yon not touring,’ ayon pa sa kay Pimentel.

Si Pimentel ang ikalawang senador na nagpositibo sa COVID-19 matapos si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Pinabulaan din aniya ang kumakalat sa social media nasa MMC pa rin sa hanggang ngayon.

“I cannot be in two places at the same time. My wife Kath is all alone in Makati Med,” sambit pa ng senador.

— Dindo Matining

SOURCE/S
Hindi ako nag-tour sa MMC – Koko