NIREKLAMO, ARESTADO! Dahil sa PHP 20.00 Quarantine Pass, Kapitan kulong sa Robbery Extortion.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Kapitan kulong sa P20 pabayad sa quarantine pass

March 23, 2020

Arestado ang isang kapitan ng barangay sa pagbebenta ng Home Quarantine Pass (HQP) sa halagang P20 sa mga nasasakupan nito, Linggo ng hapon sa bayan ng Marantao, Lanao Del Sur.

Mismong sa loob ng Barangay Mantapoli, kung saan kapitan ang suspek na si Cassar Abinal ito inaresto ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Lanao Del Sur Police Provincial Office (PPO) dakong alas 3:50 ng hapon kamakalawa.

Sa ulat, isang concerned citizen ang nag-text sa Lanao Del Sur PPO upang ireklamo ang suspek na barangay chairman dahil sa pagbebenta nito ng HQP sa halagang P20.

Ang HQP ay libreng ibinibigay ng kapitan ng barangay sa kada pamilya upang magamit ng isa sa miyembro ng pamilya para lumabas ng bahay upang bumili ng pangangailangan ngayong patuloy na naka lockdown ang karamihang parte ng bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Agad namang umaksyon ang pulisya hinggil sa reklamo at tinungo ang barangay hall ng Mantapoli kung saan kapitan ang suspek na si Abinal.

Pagbungad pa lang sa loob ng barangay hall ay bumalandara na agad sa mga pulis ang isang bond paper na nakadikit sa dingding kung saan kinakailangang magbayad ng P20 para makakuha ng Home Quarantine Pass, na malinaw na paglabag sa kautusan ng Department of Interior ang Local Government (DILG) dahil sa libre lang ang pagkuha nito sa mga barangay hall.

Sa ngayon ay himas-rehas na ang nasabing kapitan ng barangay habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.(Edwin Balasa)

SOURCE/S
Kapitan kulong sa P20 pabayad sa quarantine pass