IKAW PA MAY GANANG MANINDAK?! Senator Drilon, may babala kay Pangulong Duterte.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Drilon: Lulustay ng pondo, di exempted sa extra-power ni Duterte

March 24, 2020

Sa kabila ng binigay na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-realign ng pondo sa 2020 national budget, hindi naman exempted sa pananagutan sa batas ang mga opisyal na lulustay ng pondo.

Ito ang ibinabala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil umiiral pa rin ang auditing rules at ang anti-graft law kahit maisabatas na ang panukala sa dagdag na kapangyarihan ng Pangulo.

“Hindi ibig sabihin na isasantabi na natin ang ating audit rules, ang anti-graft law. Hindi po isinasantabi iyan. Iyan ay umiiral kahit may kapangyarihang malawak, kahit na may kapangyarihang ibinibigay para i-realign ang existing budget doon sa pagdagdag ng pera para sa ibang mga programa,” ani ni Drilon.

Nilinaw ng mambabatas na hindi siya tutol sa panukalang inaprobahan ng Senado dahil sa may emergency na kailangang tugunan ng gobyerno kung saan marami sa ating kababayan ay nagkakasakit at malaki ang demand ng medical services at marami rin ang nawalan ng trabaho dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine.

“So ito ay extra ordinary times at siguro, sa tatlong buwan, bigyan natin ng enough leeway ang executive branch to do the job. Ngayon, hindi ibig sabihin na isinasantabi natin yung COA rules, anti-graft law. Kapag hindi natin sinunod ito ay may pananagutan pa rin tayo,” babala ni Drilon.

SOURCE/S
Drilon: Lulustay ng pondo, di exempted sa extra-power ni Duterte