BORED KA BA?! Senator Cynthia Villar, may mensahe para sa Publiko.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Magtanim ng gulay sa bahay – Villar

March 25, 2020

Magandang pagkakataon ang pinairal na enhanced community quarantine upang magkaroon ng produktibong gawain gaya ng home gardening, ayon kay Sen. Cynthia Villar.

Sinabi ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food, na magandang oportunidad ang work suspension at mandatory home stay para makapagsimula ng makabuluhang gawain sa bahay.

“Sa atin na nasanay na laging may ginagawa, nahihirapan tayo paano papalipasin ang oras. Planting is something you can start alone or with your family. It’s a way of introducing agriculture to our children,” ayon kay Villar.

Ayon kay Villar, may tutorials sa internet tungkol basic instructions sa home garden.

“Hindi kailangan ng malaking lupain. You can plant in small spaces or containers and start with crop varieties that are easy to grow like pechay, sili, tomato, eggplant, okra, calamansi, among others,” sabi pa ni Villar.

Idinagdag pa ni Villar na dapat isulong ang urban agriculture at vertical gardening para manatili ang mga tao sa kanilang bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

SOURCE/S
Magtanim ng gulay sa bahay – Villar