RASON BA YUN?! Mga Lalake lumabag sa Curfew, nag-inuman sa Kalsada, nagpalusot pa!

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

11 nagpagabi, uminom sa kalsada dinakma

March 24, 2020

DAHIL sa paglabag sa curfew at pag-inom sa gilid ng kalsada, 11 na kalalakihan ang inaresto ng Candon City Police Station (CCPS) noong Lunes ng gabi.

Base sa report, ayon na rin sa CCPS, kasalukuyang nagpapatrolya ang mga pulis kasama ang kanilang chief-of-police na si P/Lt. Col. David Dulnuan nang makita nila ang grupo ng mga suspek na umiinom sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) curfew sanhi ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Dito, pinagdadampot ng mga pulis ang mga salarin at diniretso sa CCPS.

Rason ng mga suspek, birthday ng anak ng isa sa kanilang kasamahan kaya sila nag-iinuman.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek na dinala sa himpilan ng pulisya.

— Allan Bergonia

SOURCE/S
11 nagpagabi, uminom sa kalsada dinakma