NA NAMAN?! Vice President Leni Robredo, umapela sa Publiko.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

VP Leni, umapela sa publiko na ireport ang nagpapakalat ng fake news ukol sa donasyon na nalikom ng OVP

March 24, 2020

Manila, Philippines – Tinawagan ng pansin ni Vice President Leni Robredo ang publiko na i-report ang account ng Facebook user na nagpahayag na ang Office of the Vice President (OVP) ay nakalikom ng P21 milyong halaga ng donasyon subalit nabigo naman na magbigay ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa mga health workers bunsod ng banta ng COVID-19 dahil sa ang PPEs ay nabili na at naipamahagi na sa mga ospital.

Tinukoy ni Robredo sa kanyang Facebook post, ang isang nagngangalang Jerome Tan na humingi sa OVP ng quotation para sa N95 masks subalit hindi na mahagilap matapos na maibigay dito ang presyo ng N95 masks sa halip na bumili ng PPEs.

“In the midst of this tragedy, may gana pa talaga mag [post ng] fake news. Please check our page. We have been rendering regular reports of the PPEs we have already distributed and hospitals we have already served,” ayon kay Robredo.

“Anyone can ask the hospitals directly whether or not they have already received PPEs from us. Please help us report this fake news peddler,” aniya pa rin.

Ani Robredo ang donasyon sa OVP fund drive ay nasa ilalim ng kustodiya ng Angat Buhay partner, Kaya Natin Foundation ng OVP at wala mismo sa OVP.

Ayon kay Robredo, dahil sinabi na rin naman ni Tan na nakuha niya ang impormasyon mula sa di umano’y ICA thread, ay agad niyang tinanong ang canvassing team kung mayroon silang impormasyon ukol dito at napag-alaman niya mula sa isang miyembro ng OVP fund drive team na ang hinala nila ay mula ito sa babae na nag-alok o nagbebenta ng N95s [masks] para sa P200 kada piraso.

“The reason why we did not get from her is that we were able to buy ours for only P80, which is way cheaper than what she was offering,” ayon kay Robredo.

Para sa araw na ito, Martes, Marso 24, ang OVP fund drive ay nakalikom ng P24.5 million para ayudahan ang mga front liners

Ang pondong ito ay para sa 52,266 PPE sets na gagamitin ng 3,484 front liners para sa 15 araw.

Sa 52,000 PPE sets, tinatayang 17,400 PPE sets ang naipamahagi na ng OVP.

Ang OVP, sa kabilang dako ay nanawagan sa publiko na mag-refer ng mga suppliers ng PPEs dahil na rin sa patuloy na pagnipis ng suplay.

“Kung may alam naman po kayong mapagkukuhanan ng karagdagang PPE sets, ipagbigay-alam lamang ito sa +63 998 596 8820 o sa angatbuhay@gmail.com. Nananawagan rin kami sa ating mga kababayan na industrial designers, fashion designers, architects, engineers, at iba pang may kakayahan na gumawa sana ng alternative designs para sa PPEs gamit ang readily available materials na makukuha locally—habang sinisiguro rin ang karampatang proteksyon na maibibigay nito sa ating frontliners,” ang nakasaad sa hiwalay na kalatas ng OVP.

“Sinisiguro po naming tuloy-tuloy rin ang aming updates sa inyo tungkol sa mga ospital at komunidad na ating natutulungan,” ang pahayag pa rin ng OVP.

— Kris Jose

SOURCE/S
VP Leni, umapela sa publiko na ireport ang nagpapakalat ng fake news ukol sa donasyon na nalikom ng OVP