WAG NA KAYO DUMAGDAG!!! 2 Doktor binawian na ng buhay, 4 pa infected na rin dahil sa Coronavirus.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

2 cardiologist ng PHC, patay sa COVID-19; 4 pang doktor, may sakit na rin

March 24, 2020

Manila, Philippines – Dalawa nang cardiologist ng Philippine Heart Center (PHC) ang kumpirmadong binawian ng buhay matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang may apat pang doktor ang positibo na rin sa naturang virus.

Ayon kay PHC executive director Dr. Joel Abanilla, kabilang sa namatay sa sakit ay ang cardiologists na sina Dr. Israel Bactol at Dr. Raul Diaz Jara habang hindi naman niya pinangalanan ang apat pang doktor na may COVID-19 din ngunit nasa maayos naman aniya ang kalagayan sa ngayon.

“As of now, we have six other doctors who are also positive. Of course, mawala na diyan si Jara at tsaka si Bactol. So may apat,” ayon kay Abanilla, sa panayam sa radyo.

Matatandaang unang binawian ng buhay si Bactol, na 34-anyos lamang, at sumunod naman dito si Jara, na pumanaw dahil sa multiple complications.

Malala umano ang naging kaso ng dalawa at kinailangang i-intubate ng ilang araw bago tuluyang binawian ng buhay.

Ayon sa PHC, hindi matatawaran ang ginawang serbisyo at sakripisyo ng dalawang doktor upang makapagsalba ng buhay ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19, ngunit sa kasawiang-palad, ay nagbuwis sila ng buhay dahil dito.

“It is with profound sadness that we announce the loss of one of the great pillars of cardiology, PHA past president Dr. Raul Diaz Jara. He was a great father, teacher, mentor, poet, author, singer” bahagi ng statement ng Philippine Heart Association (PHA).

Inaalam na ng mga safety officers kung sinu-sino ang nakasalamuha ng mga doktor upang maisailalim sa quarantine ang mga ito.

Kaugnay naman nang pagkamatay ng mga doktor, sinabi ni Abanilla na pinag-aaralan na nilang baguhin ang mga panuntunan sa pagtatalaga ng mga doktor sa frontline.

Aniya, hindi na dapat ilagay dito yaong mga high-risk sa sakit, gaya ng mga may edad na o nasa 60-taong gulang pataas, at yaong may mga preexisting health condition o dati nang may mga iniindang karamdaman.

Matatandaang una na ring kinumpirma ng Manila Doctors Hospital ang pagkamatay ng isang anesthesiologist na si Dr. Greg Macasaet, dahil rin sa virus, gayundin ay binawian na ng buhay si Dr. Rose Pulido, isang oncologist ng San Juan de Dios Hospital.

Patuloy namang umaapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging tapat sa pagbibigay ng kumpletong impormasyon kapag nagpakonsulta sa manggagamot.

Layunin nitong maingatan rin ang mga frontliners mula sa virus.

“Sila (health workers) po ay mataas ang tiyansa na mahawa kung hindi po kayo magsasabi ng totoo,” panawagan ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire. “Isa lang naman panawagan natin sa community: Maaari lang po i-disclose niyo po ang complete information nyo. If you don’t disclose, ang malalagay naman sa peligro ay ang ating health workers.”

Sa panig naman ni Health Secretary Francisco Duque III, tinawag nitong mga bayani ang mga doktor na namatay sa pagtupad ng kanilang tungkulin at paglaban sa COVID-19.

Pagtiyak pa niya, ang mga ito ay bibigyan ng nararapat na parangal sa tamang panahon. 

— Macs Borja

SOURCE/S
2 cardiologist ng PHC, patay sa COVID-19; 4 pang doktor, may sakit na rin