SA WAKAS! Budget, Medical laban sa Coronavirus, ipinaubaya na ng Kongreso kay Pangulong Duterte.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Budget, medical facilities ops vs. COVID-19, ipinaubaya na ng Kongreso kay PDu30

March 24, 2020

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ang pagbibigay kapangyarihan kay President Rodrigo Duterte na solusyunan ang patuloy na kumakalat na coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa boto na 284-9, inaprubahan ang House Bill 6616, o ang “Bayanihan to Heal As One” Act, na naglalayong makapagdeklara ng national emergency sa gitna hg banta ng COVID-19.

Ang Bayanihan Act ay kinapapalooban ng pagbibigay ng dagdag kapangyarihan o special authority kay Pangulong Duterte na gumanap ng dagdag gampanin sa ikabibilis ng pagpapatupad ng mga desisyon ukol sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Binibigyang kapangyarihan dito ang Pangulo na bumili at humanap ng mga good gaya ng testing kits, agarang pagpapatayo ng mga temporary medical facilities ng hindi sumasailalim sa proseso ng procurement at pagpasok sa mga kontrata sa mga negosyong kinalaman sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

“The management and operation of the foregoing enterprises shall be retained by the owners of the enterprise, who shall render a full accounting to the President or his duly authorized representative,” saad sa panukala.

Nakalagay rin dito na pwedeng mag-take over ang Presidente sa mga operasyon ng mga naturang enterprises kadikit pa rin ang mga limitasyon at safeguards ng Konstitusyon.

Samantala, obligado naman ang Pangulo na magsumite ng weekly report sa Kongreso sa lahat ng aksyong kanyang isasagawa at rerebyuhin naman ng Joint Congressional Oversight Committee.

Isinasaad din dito ang pagpayag sa Pangulo na “allocate cash, funds, investments, including unutilized or unreleased subsidies and transfers, held by any government-owned and controlled corporation or any national government agency . . . necessary in order to address the COVID-19 emergency.”

Sinabi ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, maaaring magamit ang P275 bilyon off-budget funds para sa COVID-19.

Sa P275 bilyon, P200 bilyon dito ay nakalaan para emergency subsidy program ng nasa 18 milyong pamilyang apektado sa loob ng dalawang buwan habang ang natitirang P75 bilyon ay gagamitin sa 18 million health expenditures at iba pang serbisyo.

Nakalathala rin dito ang paglalabas ng emergency subsidies sa 18 milyong low-income families sa bansa na lubhang naaapektuhan ng enhanced community quarantine.

Ang bawat low-income household ay makatatanggap ng nasa P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

“The exact amount is determined in proportion to the minimum wage of their respective region,” saad ni Senator Pia Cayetano.

Samantala, epektibo lamang ito ng tatlong buwan kung hindi palalawigin ng Kongreso o ‘di kaya naman ay wawakasan sa pamamagitan ng Presidential Proclamation.

Kailangan din ang pagsusumite ni Pangulong Duterte ng report to sa Kongreso tuwing Lunes ng kada linggo tungkol sa kanyang mga hakbang at ginawa at pag-aaralan naman ng Joint Congressional Oversight Committee. 

— Remate News Team / FGDC

SOURCE/S
Budget, medical facilities ops vs. COVID-19, ipinaubaya na ng Kongreso kay PDu30