TAPANG, EH MALI NA NGA! MUA lumabag sa curfew; minura, sinapak, at sinabunutan ang umaresto sa kanya.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Make-up artist na lumabag sa curfew arestado matapos manakit ng awtoridad

March 22, 2020

Inaresto ang isang make-up artist sa Marikina matapos umanong murahin at saktan ang mga awtoridad na sumita sa kanyang paglabag sa curfew, ayon sa ulat ni Allan Gatus sa Dobol B sa News TV nitong Linggo.

Sinita ng mga police at ilang opisyal ng barangay nitong Sabado si Alvin Bunda, 22 anyos, at kanyang mga kasama na naglalakad pa sa kalye sa Barangay Tumana kahit maghahatinggabi na.

Minura, sinapak, at sinabunutan daw ng make-up artist ang mga awtoridad na sumaway sa kanila.

Umiiral ang curfew hours sa lugar mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. bilang parte ng enhanced community quarantine para sa pagkontrol ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Agad na dinala ng mga awtoridad si Alvin sa presinto ng Marikina City Police, ayon sa Eastern Police District. 

Joviland Rita / LBG, GMA News

SOURCE/S
Make-up artist na lumabag sa curfew arestado matapos manakit ng awtoridad