PAANO YUNG IBA?! “Hindi kami takot sa Coronavirus” ; 4 Pamilya nagpalipas pa rin ng gabi sa kalsada.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

‘Hindi kami takot sa COVID-19, takot kaming magutom’: 4 pamilya nagpalipas pa rin ng gabi sa kalsada ng QC

March 20, 2020

Apat na pamilya ang piniling magpalipas ng gabi sa kabila ng Luzon-wide community quarantine sa kahabaan ng NIA Road, Quezon City nitong Biyernes.

Ilang mga opisyal ng Barangay Pinyahan ang sumagip sa mga nanatili sa mga kalsada ngunit nadatnan pa ring natutulog ang ilang pamilya sa kalsada.

Ayon sa isa sa mga street dweller, nilapitan na sila ng mga awtoridad pero bumalik sila ulit sa kalsada dahil kailangan nilang mangalakal ng basura para may mapakain sa kanilang pamilya.

“Sinasabi nila sa sakit na ‘yan, sa [COVID-19] hindi kami natatakot diyan. Takot kami na [walang] makakain sa isang buwan,” aniya.

“Takot kami, papasukin kami sa loob. Tapos sa loob, wala kaming makain doon, paglabas din naman wala kaming makain. Sa isang buwan naman, wala kaming hanapbuhay. ‘Yong ginagawa namin, pinipilit naming mamasura para may pangkain.” 

Ayon sa mga opisyal, nakatakda naman silang mamigay ng mga food pack para sa 5,000 pamilya na nananatili sa NIA road ngayong umaga. 

Nakalagay sa food packs ay bigas, 4 na piraso ng noodles, 2 lata ng sardinas at mga vitamins para sa 3-4 araw.

Dagdag ng mga awtoridad, hinihintay pa nila ang pagkaing ibibigay ng lokal na pamahalaan ng Quezon City bilang pandagdag sa ibibigay sa mga pamilya.

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa state of calamity sa gitna ng Luzon-wide community quarantine bunsod ng pagdami ng kaso ng novel coronavirus sa bansa.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang Department of Health ng 217 kaso ng COVID-19 at nananatili sa 17 ang namatay at 8 naman ang gumaling na.

—May ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

SOURCE/S
‘Hindi kami takot sa COVID-19, takot kaming magutom’: 4 pamilya nagpalipas pa rin ng gabi sa kalsada ng QC