BAWAL DI BA?! “…What kind of government is this?,” dismayadong sabi ng Ginang.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Babaeng papunta sa airport, naiyak sa galit nang harangin sa checkpoint sa Valenzuela-Bulacan

March 17, 2020

Napaiyak na lamang sa galit ang isang babae na papuntang airport kasama ang asawa para sa flight nila sa Canada, nang harangin sila sa McArthur Highway na boundary ng Valenzuela at Meycauayan, Bulacan dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

“So if we miss this flight, what we gonna do? It’s too much. Why is it like this? I think it’s not fair,” galit na naiiyak na pahayag ng ginang sa ulat ni Jonathan Andal sa GMA News TV “Balitanghali” nitong Martes.

Pero dahil may naipakita silang itinerary, kinalaunan ay pinayagan din sila ng mga pulis at sundalo na makadaan.

Ngunit matapos payagang makaalis, iniisip naman nila kung makababalik pa ng Bulacan ang kaanak nilang maghahatid sa kanila sa airport.

“Is this fair? Oh Lord. What kind of government is this?,” dismayadong sabi ng ginang.

“Parang nasa martial law tayo,” sabi naman ng kaniyang asawa.

Alas-dose ng hatinggabi nagsimulang lagyan ng harang ang boundary ng Valenzuela at Meycauayan, kung saan mga cargo vehicles at essential goods lang ang maaaring makadaan, ayon sa mga awtoridad.

Kaya naman naipit sa lockdown ang ilang biyahero na galing ng Valenzuela at pauwi sana ng Bulacan. Naging siksikan at hindi na nasunod ang social distancing dahil sa kanilang dami.

“Pang-gabi ‘yung trabaho ko eh, sana hinintay muna nilang makauwi ‘yung mga tao, Paranaque pa ako nagtatrabaho, 11 ang out ko. Kung magla-lockdown ng alas dose hindi naman kakayanin ng isang oras ‘yung biyahe,” sabi ng isang biyahero.

“Kung kaninang tanghali pa po sinabi, [maiintindihan namin]. Ngayon lang gabi sinabi ‘yon eh,” ayon naman sa isang pauwing trabahador.

“Katulad ko, S.A. po ako, sa airport pa po ako. Bawal kaming maghawak ng phone. So hindi po namin ma-monitor kung anong nangyayari. So may nagsabi na lang na lockdown na,” sabi ng isang babae.

“Gusto na naming makauwi, pagod na kami sa biyahe eh,” anang isa pang ginang.

“It’s up to the Bulacan kung papaano nila papasukin ‘yan pero wala na,” sabi ni Police Colonel Fernando Ortega, chief, Valenzuela PNP, pagkadating niya sa boundary.

Pero ayon sa mga taga-Bulacan Police, hindi sila kung hindi ang Valenzuela ang nagpatupad ng lockdown.

Pinayagan din namang mapasok sa Bulacan ang mga naipit sa lockdown bandang 1:30 a.m., at hindi na sila hinanapan ng ID at isa-isa na lang kinunan ng body temperature.

Dumating din sa kugar si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian nang mabalitaan ang sitwasyon.

“Maaaring nagka-misunderstanding lang. I can’t answer for Bulacan, I can only answer for the Valenzuela side. Talagang, I think may total lockdown,” sabi ni Gatchalian.

Jamil Santos / FRJ, GMA News

SOURCE/S
Babaeng papunta sa airport, naiyak sa galit nang harangin sa checkpoint sa Valenzuela-Bulacan