MAGHANDA NA KAYO KUNG MANGYARI ITO. “Ang iba’t ibang department pinag-uusapan na ‘yan,” PNP Lt. Gen. Eleazar said.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

PNP, may contingency plan sa posibleng looting: Eleazar

March 21, 2020

Manila, Philippines – Handang rumesponde ang Philippine National Police (PNP) sa anumang looting incident na posibleng mangyari sa Luzon-wide enhanced community quarantine na dulot ng COVID-19, ayon kay Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.

“Kung sakaling eventually kapag nagkaroong ng gutom, magkaroon ng looting, talagang ‘yun ang ating tinitingnan kaya nga ang ating PNP ay merong mga contingency plans sa lahat ng mga scenarios,” ani Eleazar sa isang panayam.

“Ang ating pamahalaan alam po nila na ito ay mga scenario na talagang tinutukan nila kaya nga nagkukumahog ang national government, at the same time ang ating local government sa pag-address nito,” dagdag pa nito.

Sinabi ng opisyal na pinag-uusapan na ng iba’t ibang departamento ang posibleng mangyari tulad ng looting.

“Ang iba’t ibang department pinag-uusapan na ‘yan,” Eleazar said.

Nauna na ngang ipinahayag ng PNP official na bumaba ang bilang ng krimen simula ipinatupad ang lockdown sa Luzon kaya’t pinasingulingan ni Eleazar ang mga ulat tungkol sa tumaas na kaso ng pagnanakaw.

“Alam mo noong una kong matanggap ang report na ‘yan na may nagtanong sa akin na tumaas daw ‘yung insidente ng akyat bahay, napaka-illogical nu’n kasi una, ang mga tao nga ay nasa bahay. Paano magkakaroon ng akyat bahay eh nakabantay tayo?” depensa nito.

— Remate News Team / FGDC

SOURCE/S
PNP, may contingency plan sa posibleng looting: Eleazar