MAY DISIPLINA PA BA TAYO?! Truck na tumakas sa Checkpoint, inararo ang 2 Health Workers.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

2 health worker, 1 kagawad patay sa araro ng trak

March 21, 2020

Bukidnon – Patay ang dalawang miyembro ng barangay health worker at barangay kagawad habang isa ang nasa malubhang kalagayan nang araruhin ng trak ang Community Quarantine Control Point, kagabi sa lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang mga namatay na sina Jomalyn Buhayon, 34, at Margie Maribao, kapwa mga BHW ng Camp-1 habang namatay naman sa ospital si Brgy. Kagawad Aldren Gaitera.

Patuloy naman inooberbahan sa ospital si Beth Lumanca, BHW, ng pawang mga residente ng Maramag, Bukidnon.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jemuel Ompoc, driver ng truck at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Bukidnon-PNP, dakong alas-11:50 kagabi nang maganap ang insidente sa Community Quarantine Control Point sa kahabaan ng Sayre Highway, Camp-1, Maramag, ng nasabing lalawigan.

Lumabas sa imbestigasyon, nagsasagawa ng checkpoint ang mga otoridad kasama ang mga biktima dahil covid-19 lockdown at dumaan ang suspek habang minamaneho ang truck.

Subalit, sa halip na huminto ang suspek mabilis nitong pinaharurot ang trak dahilan para araruhin ang mga biktima na ikinamatay ng tatlo.

Nabatid, na nasa impluwensiya ng nakakalasing na alak ang suspek nang mangyari ang insidente.

Nakatakda naman sampahan ng patung-patong na kaso laban sa suspek.

— Mary Anne Sapico

SOURCE/S
2 health worker, 1 kagawad patay sa araro ng trak